MIC sisimulan na ang pag-invest ng Maharlika Investment Fund sa huling bahagi ng taon

Inanunsyo ni Maharlika Investment Corporation o MIC President and CEO Rafael Consing na target nilang umpisahan ang pag invest ng Maharlika Investment Fund sa huling bahagi ng taon.

Sa pre-SONA briefing, sinabi ni Consing na hawak na nila ang 75 billion pesos na capital contributions mula sa mga bangko at ngayon ay nasa pangangalaga ng Bureau of Treasury na itinalagang interim cash manager.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon pa kay Consing, napag desisyunan ng MIC na lahat ng kapital na nakalaan sa MIF ngayon ay iinvest muna dito sa Pilipinas.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

At kapag nagkaroon na ng tinatawag na excess o surplus assets, saka sila mag iinvest sa labas ng bansa.

Isa ang sektor ng enerhiya, digital connectivity at healthcare sa mga nakikita ng MIC na magandang paglagakan ng pondo.