Imbestigasyon sa pagdami ng bumili ng cellphones dahil sa vote-buying, ipinaubaya ng ng COMELEC sa PNP

Pormal nang inendorso ng Commission on Elections sa Philippine National Police ang isasagawang imbestigasyon hinggil sa pagtaas ng bilang ng mga bumili ng cellphones na iniuugnay sa talamak na pagbili ng boto.

Ito ay makaraang maiulat na na-‘sold out’ ang mga mamahaling mobile phones sa tatlong mga shopping malls sa Agusan del Sure matapos ang eleksyon.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Ayon kay COMELEC acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco, ipauubaya na nila ang imbestigasyon sa PNP – hiwalay pa ito sa pagsusuring ginagawa ng National Telecommunications Commission.

Samantala, umabot na sa 1,173 ang bilang ng mga reklamong natanggap ng poll body ukol sa vote-buying.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

933 rito ang natanggap sa Facebook Page ng Task Force Kontra Bigay; habang 167 complaints naman ang ipinadala sa kanilang e-mail.

Sa kasalukuyan, 12 pa lang ang verified complaints at nakatakda nang i-akyat sa preliminary investigation ng law department ng COMELEC.
#