Iba pang regional wage boards, inaasahang susunod na ring maglalabas ng wage increase order

Asahan nang magpapatupad na rin ng umento sa sahod ang iba pang mga regional wage boards.

Ito ang tiniyak ni National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criselda Sy matapos ang ipinatupad na wage increase ng limang mga rehyon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa pulong balitaan, sinabi ni Sy na tapos na ang isinagawang pagdinig ng iba pang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.

Sa katunayan, ang nalalabi na lamang na public hearing ay para sa mga domestic workers naman sa Metro Manila.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dahil dito, asahan na umano na sa mga susunod na araw o linggo ay magkakaroon na rin ng dagdag-sahod sa iba pang mga rehyon.

Matatandaang una nang naaprubahan ang wage increase sa limang mga rehyon kabilang na ang Metro Manila, Western Visayas, Ilocos Region, Cagayan Valley, at CARAGA.
#