Mula sa ‘Bayanihan Law’ ay pinag-aaralan na ng ilang mambabatas na palitan ito at tatawaging ‘BBM Law’ o ‘Bayan Bangon Muli Law’ – ginamit na tagline ni presumptive president Bongbong Marcos.
Ayon kay Majority Leader Martin Romualdez, isusunod daw nila sa initials ni Marcos ang stimulus package law ng Gobyerno na unang binalangkas para tulungan ang ating mga kababayan ngayong pandemya.

Sinabi ni Romualdez na ang bubuoing BBM Bill ay layong gamitin pa ang natitirang resources ng gobyerno para ibalik ang tumamlay na ekonomiya ng bansa dulot ng mga lockdown restrictions.
Para naman kay House Ways and Means committee chair Albay Rep. Joey Salceda, mas magkakaroon ng otoridad si Marcos na i-adjust ang budget para sa pandemic response.
#