Nag-umpisa na ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa kontrobersyal na na-rekober na 990-kilo ng droga sa Tondo sa Maynila noong 2022.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na 59 mula sa mga 74 respondents ang dumalo sa pagdinig para tanggapin ang mga complaints.
Binigyan naman ng hanggang May 30 ang mga respondents para sumagot at mag-file ng counter-affidavits.
Tiniyak naman ng DOJ na wala silang kikilingan, at lahat ng anggulo ay kanilang sisilipin.
Matatandaaang nagkaroon na rin ng imbestigasyon sa Senado noong nakaraang taon kung saan – lumabas na ‘di umano’y – posibleng nagkaroon ng cover-up sa operasyon.