Pagbaba sa P9B sa value ng Batangas drug haul – dinepensahan

Nanindigan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na estimate lang talaga ang unang halagang inilabas nila hinggil sa mga drogang nakumpiska sa Alitagtag, Batangas.

Kung maaalala kasi – unang idineklarang P13.3B ang halaga ng nakumpiskang droga; pero ibinaba ito sa P9.6B.

Sabi ni PDEA deputy director for operations Assistant Secretary Renato Gumban – maaaring na-pressure lang sila kaya nila nabanggit ang unang estimate.

Tinanong daw kasi sila ng media kaya napilitan silang sambitin ang ganitong value.

Bago ito – una nang idiniin ng mga otoridad na ‘di na dapat pagdudahan ang pagaba sa halaga ng narekober na droga.

Tiniyak din ni Interior Sec. Benhur Abalos ang pag-iral ng transparency sa operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *