Iligal na pagbebenta ng mga sanggol online, hindi namomonitor sa Camarines Sur- PNP Cyber Crime Unit

NAGA CITY-Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Justice Cybercrime Division sa Meta o ang kumpanyang humahawak sa Facebook upang walisin ang iligal na pagbebenta ng mga sanggol online, sa hanay naman ng Regional Anti-Cybercrime Unit,  nagmomonitor ang social media patrolers tulad sa Camarines Sur.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCPT Angelo Babagay na sa monitoring sa Naga at Camarines Sur wala naman silang account na nakikitang may kaugnayan o may transaksyon sa iligal na pagbebenta ng sanggol.

Mababatid na nauna nang inaresto ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal dahil sa naturang gawain sa halagang P90,000 sa Dasmariñas City, Cavite noong Mayo 15. Mahigit 500 na Facebook account na ang binura dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na gawain. Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gachalian, ito ay “worst form of Human Trafficking”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *