Buko juice vendors sa Naga City, nangangamba sa mababang kita ngayong tag-ulan

NAGA CITY- Nangangamba ang ilang buko juice vendors sa Naga City sa posibleng pagbaba ng kanilang kita ngayong tag-ulan.

Isa si Nanay Marissa Ortega na residente ng Barangay Igualdad, Naga City, ang nagbahagi sa Brigada News FM Naga ng kanyang kuwento at karanasan bilang limang taon na rin siyang nagtitinda ng samalamig. Hindi tulad ng nakaraang kita noong tag-init, inaasahan ni nanay Marissa na bababa ang kanyang kikitain sa pagtitinda ng buko juice kaya kailangan niyang magbenta ng iba pang produkto.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, hindi naman siya tumitigil sa pagiging buko juice vendor kahit tag-ulan dahil kahit kakarampot, may nakukuha pa naman siyang kita rito. Dahil isang single mom na may limang anak na binubuhay, humahanap pa siya ng ibang raket tulad ng pagbebenta ng payong, doormats at tuwalya.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kung noon, nakakabenta siya ng humigit kumulang isang libo araw-araw sa pagbebenta ng buko juice, ngayong pumasok na ang tag-ulan, posibleng hindi na umabot sa ganitong kita ang kanyang makuha. Magbabawas rin siya sa pagkuha ng buko sa merkado upang maiwasan ang pagkalugi.