DMW, kinumpirmang walang Pilipinong nasaktan sa pagguho ng isang building sa Jeddah

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipinong nasaktan sa pagguho ng isang building sa central Jeddah, Saudi Arabia.

Ayon sa ulat ng Migrant Workers’ Office sa Jeddah kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, binista nila ang site at ilang kalapit na ospital upang suriin kung may mga Pilipinong apektado ng sakuna.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Tiniyak naman nila na magpapatuloy sila sa pagbabantay sa sitwasyon at mananatiling nakikipag-ugnayan sa Jeddah police, medical, at emergency services agencies upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa nasabing lugar.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Hindi bababa sa walo ang naiulat na nailigtas mula sa gumuhong istraktura, na naka-apekto sa 13 apartments sa distrito ng Al-Faisaliah.