Ilang tanggapan sa DOH pansamantalang sarado simula ngayong araw

BICOL—Pansamantalang tigil operasyon ang ilang opisina sa Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) sa loob ng tatlong araw.

Ito ay upang bigyang daan ang gagawing intensive, office-wide disinfection mula ngayong October 1 hanggang sa Linggo, October 3.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Kabilang sa mga apektadong tanggapan ay ang National Nutrition Council V, Food and Drug Administration at Public Health Laboratory.

Sa abiso ng DOH, lahat ng mga transaksyon sa mga nabanggit na tanggapan ay suspendido muna sa mga nabanggit na araw at magbabalik sa Lunes, Oktubre 4.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Inaabisuhan ang publiko na mayroong mga transaksyon sa mga nasabing opisina na makipag-ugnayan sa Operations Center ng DOH CHD sa numerong 09162349063.###