Bicol region nagtala ng 426 na bagong kaso ng COVID-19

BICOL—Pumalo na sa 37,608 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 426 na karagdagang kaso.

Pinakamataas na kaso ang naitala sa lalawigan ng Camarines Sur na umabot sa 157 kung saan 51 nito ay mula sa Naga City, 11 sa Calabanga at Magarao, walo sa Lagonoy, tigpipito ang Garchitorena, Iriga City at Siruma, anim sa Pili, lima sa San Fernando, tig-aapat ang Baao, Bato, Pamplona at San Jose, tigtatatlo ang Cabusao, Camaligan at Nabua, tigdadalawa ang Buhi, Bula, Canaman, Libmanan, Pasacao, Gainza, Milaor at Tigaon at tig-iisa ang Caramoan, Minalabac at Ragay.

Sumunod ang Albay na umabot sa 81 kung saan 30 ang naitala sa Legazpi City, 13 sa Camalig, sampo sa Daraga, pito sa Guinobatan, tig-apat sa Libon at Ligao City, tatlo sa Pio Duran, tigdalawa ang Malinao at Polangui at tig-iisa sa Bacacay, Malilipot, Manito, Sto. Domingo at Tiwi.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

71 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 32 nito ay mula sa Sorsogon City, siyam sa Gubat, pito sa Irosin, lima sa Juban, apat sa Castilla, tigtatlo sa Bulusan at Pilar, tigdalawa sa Casiguran at Matnog at tig-iisa sa Barcelona, Bulan, Donsol at Magallanes.

55 ang bagong kaso sa Masbate kung saan sampo nito ay mula sa Cataingan, tigpito ang Baleno at Milagros, tig-aanim ang Batuan, Masbate City at Placer,  lima sa Aroroy, tigtatlo ang Balud at Palanas at tig-isa ang Dimasalang at San Frenando.

47 naman ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan 13 ang mula sa Daet, 11 sa Talisay, anim sa Basud, lima sa Labo, apat sa Jose Panganiban, tigtatlo ang Paracale at Vinzons at dalawa sa Mercedes.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

15 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Virac, tatlo sa San Andres at tig-iisa ang Bagamanoc, Caramoran, Pandan at Viga.

Samantala, 132 ang mga bagong gumaling kung saan tig 30 ang Camarines at Sorsogon, 29 sa Naga City, 20 sa Masbate, 13 sa Camarines Norte at sampo sa Catanduanes kung kaya pumalo na sa 24, 222 ang total recoveries.

Sumampa na rin sa 1,115 ang death toll matapos madagdagan ng siyam na bagong nasawi kung saan lima nito ay mula sa Sorsogon, tatlo sa Camarines Sur at isa sa Naga City.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm