Mga completely vaccinated laban sa COVID-19 sa Bicol, pumalo na sa mahigit 607k

BICOL—Umaabot na sa 607,785 ang kabuuang bilang ng mga completely vaccinated individuals laban sa COVID-19 sa Bicol region.

Kabilang sa mga ito ang 370,589 na mga nakatanggap na ng second dose at 237,196 na mga naturukan ng one shot Janssen vaccine.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa pinakahuling vaccine statistics ng DOH, 151,704 na sa mga nasa A1 o healthcare workers ang completely vaccinated; 215,601 sa A2 o senior citizens; 182,826 sa A3 o individuals with comorbidity; 54,078 sa A4 o uniformed personnel at 3,576 sa Other priorities.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samantala, mayroon pang 593,030 na naturukan ng unang dose ang naghihintay ng kanilang ikalawang shot ng bakuna.

Sa kabuuan, umaabot na sa 1,200,815 doses ng mga bakuna ang naiturok o 67% ng kabuuang doses na natanggap ng Bicol region na umaabot na sa 1,794,970 doses.### || slm