Ilang senador, pinaiimbestigahan ang logistics firm na nais kontratahin ng Comelec

Pinaiimbestigahan ni Senator Leila de Lima ang mga ulat na target ng logistics firm na pag-aari umano ng isang political donor na makuha ang kontrata kasama ang Commission on Elections para sa logistical supplies sa May polls.

Inihain ni De Lima ang Senate Resolution No. 855 na naglalayon na tiyakin na magiging malaya ang May 2022 national at local elections mula sa anuman tangka ng pandaraya at iregularidad ng suppliers na may koneksyon sa political parties at posibleng mga kandidato.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Iginiit ng senadora na ang anuman transaksyon o kontrata na maaring sumira sa tiwala ng publiko sa gobyerno, at objectivity sa civil service, ay dapat malagay sa pinakaistriktong pag-busisi.

Binigyang diin ng senadora na kailangan ay maiwasan ang anuman conflict of interest at tiyakin na walang supplier na nagpartisipa sa partisan political activities ang ma-awardan ng mga kontrata para maisagawa ang national at local elections ng bansa.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ipinunto ni De Lima ang ilang ulat kung saan ay idineklara ng special bids and awards committee (SBAC) ng Comelec na na-award sa isang logisitics firm ang P1.61-billion na proyekto para sa pagbili at deployment ng equipment, peripherals, at iba pang supplies at warehousing para sa 2022 polls.

Bukod sa SR No. 855, ay inihain rin ni De Lima ang SR No. 862 kung saan ay nanawagan ito sa Senado na imbestigahan ang mababang utilization ng pondo para sa mga drivers na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.