Hospicio de San Jose, umapela ng donsyon sa gitna ng pagdami ng COVID-19 cases nito

Umapela ang isang bahay ampunan sa Maynila ng pinansyal na donasyon matapos maitala sa Hospicio de San Jose ang 80 COVID-19 cases, kabilang na ang mga bata at tauhan nito.

Sinabi ni Sister Maria Socorro Pilar Evidente na mabilis na dumarami ang mga COVID-19 infections sa ampunan nitong Agosto.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Ipinunto niya na hindi na ito ma-trace ‘di tulad noong Abril hanggang Hunyo kung saan ay mabagal na pagtaas ng mga kaso.

Ipinunto ni Evidente na mula sa 80, ay dalawa ang severe cases, na naitakbo na sa pagamutan, habang ang natitirang 78 ay patuloy na nagpapagaling.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Bukod sa mga kaso ay sinabi ni Evidente na kailangan pa nilang isailalim sa pagsusuri ang 40 symptomatic na indibidwal sa kanilang ampunan kabilang na ang mga senior citizens.