Mga ospital na nagsara re: Delayed reimbursement ng Philhealth, 4 na

Pumalo na sa apat na mga ospital ang pansamantalang nagsara ng operasyon sa gitna ng delayed na pagbabayad ng PhilHealth, matapos na sumunod ang dalawang iba pang ospital.

Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi), isa sa naturang mga ospital ay sa Samar habang ang tatlo ay mula sa Davao del Sur.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Dahil dito, ang mga ang mga apektadong pasyente ay inilipat sa ibang ospital at healthcare facilities, habang ang mga apektadong healthcare workers ay nag-aplay sa ibang pasilidad, pero ang iba, pinili umanong magpahinga muna.

Nangangamba naman si De Grano na marami pang ospital at healthcare facilities ang sumunod sa gitna na ang isyu sa hindi pa nababayarang reimbursements ng PhilHealth ay nananatiling unresolved.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Giit kasi ni De Grano, nakadepende ang operasyon ng mga private hospitals sa reimbursements mula sa PhilHealth, lalo na sa mga kaso ng COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD