HS, inatasan ang PCG na magsumite ng modernization plan para sa budget season

Pinagsusumite ni House Speaker Martin Romualdez ng comprehensive strategic modernization plan ang Philippine Coast Guard bilang paghahanda sa pagsisimula ng budget season.

Ayon kay Romualdez, gagawin nilang basehan ang plano sa ilalaang dagdag na pondo sa PCG kapag tinalakay na ng Mababang Kapulungan ang proposed 2025 national budget.

Dapat aniyang nakadetalye sa modernization plan ang pagpapalakas ng kakayahan sa pagpapatrolya at pagprotekta sa karagatang sakop ng Pilipinas partikular ang West Philippine Sea.

Nais makita ng House leader ang kasalukuyang kalagayan ng assets ng PCG sa isusumiteng modernization plan, mga barko at equipment na kailangan nang i-upgrade, training program para sa mga tauhan at inisyatibo para sa regional cooperation at maritime law enforcement.

Tiniyak naman ni Romualdez na committed ang Kongreso na suportahan ang pagpapalakas sa PCG.

Giit pa nito, magsisilbing defense posture ang hakbang laban sa mga magtatangkang sakupin ang mga islang pagmamay-ari ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *