Ilang provinces sa Canada, nagdesisyon na huwag gawing mandatory ang bakuna sa health workers

Inihayag ng ilang probinsya sa Canada na hindi nila pipilitin ang kanilang health care workers na magpabakuna kontra COVID-19.

Ipinunto ng mga pamahalaan ng Ontario at Quebec na ang pagtanggal sa mga staff na ayaw magpabakuna ay makakadagdag lang sa mga problema ng mga ospital nito.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Magkahiwalay na inanunsyo ng Ontario at Quebec, na dalawa sa mga pinakaapektadong probinsya sa Canada, ang kanilang desisyon.

Orihinal na itinakda ng Quebec ang deadline nito para sa pagpapabakuna ng health care workers sa gitna ng Oktubre, ngunit naurong ito sa November 15 sa pag-asa na magbabago pa ang isip ng iba. Ipinunto naman ni Ontario Premier Doug Ford na matapos niyang timbangin ang potensyal na pag-alis ng libo-libong health care workers na ayaw magpabakuna mula sa maliliit na bilang ng outbreaks ay nagdesisyon siya na huwag nang gawing mandatory ang mga bakuna.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas