Ilang Pilipino sa Gaza, Panis na tinapay ang pantawid-gutom sa gitna ng Israel at Hamas war

Kumakain na lamang ng panis na tinapay ang ilang Pilipino sa Gaza upang pantawid-gutom sa gitna ng pagkaipit ng mga ito sa giyera ng Israel at grupong Hamas.

Bukod dito, ilang residente sa Gaza ay umiinom na lamang ng tubig alat para mabuhay dahil sa kakulangan ng suplay ng malinis na tubig.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Samantala, nakapuwesto sa Egypt ang tone-toneladang ayuda mula sa ibang bansa dahil hindi makapasok sa Gaza hangga’t walang kasunduan na ligtas makabiyahe doon.

Una nang nagpatupad ng total blockage ang Israel sa Gaza at pinutol ang suplay ng kuryente, tubig, gamot at pagkain.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ayon sa United Nations Humanitarian Office, inaasahang 24 oras na lamang ang itatagal ng langis sa mga ospital sa Gaza at libo-libong pasyente naman ang malalagay sa panganib.