PNP, may 4, 500 na mga pulis para mag assume bilang miyembro ng BEI sa ilang rehiyon sa bansa

Mayroong naka stand by na 4,429 na mga pulis para mag assume bilang miyembro ng Board of Election Inspectors sa papalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ang sinabi ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. kasunod ng inaasahang posibleng kakulangan ng mga itatatalagang BEI dahil sa usaping panseguridad sa ilang rehiyon sa bansa.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Ang mga pulis ay itatalaga sa Bangsamoro, Northern Mindanao, CALABARZON, at Bicol.

Ang mga lugar aniyang ito ang may history ng election-related incidents , intense political rivalry at presensiya ng organized crime at partisan armed groups.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Tiniyak naman ni Acorda, na sapat ang kakayahan ng mga pulis para gampanan ang tungkulin ng BEI dahil sumailalim ang mga ito sa pagsasanay.