Ilang negosyante sa lungsod ng Sorsogon, tutol sa planong tuluyang ipagbawal ang pagbebenta ng mga firecrackers at pyrotechnics sa bansa

Mariing tinutulan ng ilang negosyante sa lungsod ng Sorsogon ang plano ng ilang senador na tuluyan nang ipagbawal ang pagbebenta ng mga firecrackers sa bansa lalo na tuwing pasko at bagong taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Melody Gamos grocery owner na nakapuwesto sa Sorsogon City Public Market sinabi nito na bilang isang negosyante naniniwala siyang dagdag pasakit ito sa mga maliliit na negosyante na nagbebenta ng paputok na tuwing Pasko at Bagong Taon lang naman aniya nakakabawi.

Pahayag nito kung ang dahilan ng pagbabawal ay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko ay hindi naman umano makatarungan na mga negosyante ang magsakripisyo dahil lahat naman ay dapat na maging responsable sa paggamit ng paputok.

Bukod pa rito, kulang umano ang Pasko at Bagong Taon kung wala nang maririnig at makikitang mga makukulay na paputok lalo pa’t  ang pagpapaputok ay bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino sa paniniwalang naitataboy nito ang malas at masasamang ispiritu. Sa huli, sinabi nito na sa halip na ipagbawal ay mas mabuti kung i-regulate na lamang ang pagbebenta nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *