Pulong nina Prince William at US President Biden sumentro sa environmental issues

Pangunahin sa mga natalakay sa pulong nina Prince William at US President Joe Biden ang pagtutok sa environmental issues.

Sina Biden at William ay nagkita sa Boston kasabay ng three-day visit ng British royals sa America. Sinabi ni White House Spokesperson Karine Jean-Pierre na kabilang sa talakayan nina Biden at Prince William ang climate goals at pagsasaprayoridad sa mental health issues.

Sina William at Kate ang naggawad ng parangal sa nanalo sa Earthshot Prize na mismong si William ang nag-establish bilang pagkilala sa mga taong kumikilos at nakikipaglaban sa effects ng climate change.

Una nang sinabi ni William na gusto niyang ipakita sa lahat na may magagawa para tulungan ang mundo tungo sa isang stable climate kung saan ang mga komunidad, kalikasan at mga karagatan ay maayos ang relasyon.

Sina Kate at William ay huling bumisita sa America noong 2014 kung saan naging bisita sila ng noo’y pangulong Barack Obama.