Lubog pa rin sa baha ang ilang mga lugar sa bansa bunsod ng bagyo at habagat.
Sa datos ng NDRRMC, karamihan sa mga bahang lugar hanggang sa ngayon o 170 flooded areas ay matatagpuan sa Region 3 o Central Luzon, mayruon ding mangilan ngilang pagbaha na naitala sa BARMM, CAR at Region 10.
Samantala, sa ulat pa ng NDRRMC 42 mga kalsada at 6 na tulay ang hindi parin madaraanan ng mga motorista hanggang sa ngayon dahil sa baha at pagkasira.
Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa CALABARZON, Metro Mla, Regions 1, 2, BARMM at CAR.
Ilang kabahayan din mula sa Regions 1 at CALABARZON ang nakakaranas parin ng power interruption habang lahat naman ng tahanan sa mga rehiyong hinagupit ng bagyo ay naibalik na ang water supply at maayos narin ang lahat ng linya ng komunikasyon.