Pagbili ng bagong SUV ng PALECO, pinagdudahan

Kinuwestiyon ni BM Rafael Jun ortega ng Sangguniang Panlalawigan ang pagnanais ng Palawan Electric Cooperative na bumili ng isang brand new SUV na nagkakahalaga umano ng 2.7M pesos.

Sa kanyang Privilege Speech kahapon ng umaga sa regular na sesyon, kanyang inilathala ang umanoy pag kwestyun dito ng mga member consumer owners.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya napapanahon bang unahinang pagbili ng isang bagong SUV, kaysa sa pagbili ng mga bagong distribution lines ngayong sunod sunod at hindi na biro ang mga nangnararanasang brownout sa lalawigan.

Kaugnay niton akasaad sa invitation bid ng paleco sa naturang behikulo ang pagbili nitoaynaaayon sa batas at sa rules and regulations ng national electrification administration.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, sa Ika-labing lima ng Agosto ay magkakaroon ng Power Forum, kung saan imbitado ang pamunuan ng PALECO, ibang ahensya at Member Consumers Owners, dito inaasahan na sasagutin ng PALECO ang mga katanungang nabanggit ng Lokal na mambabatas.