Bagong measures vs COVID na hiniling ng mga doktor sa UK, tinanggihan

Tinanggihan ni Britain health minister Sajid Javid ang panawagan ng mga doktor para sa pagpapatupad ng bagong measures sa gitna na tumataas na bilang ng COVID-19 infections.

Ito ay sa kabila ng babala ng mga doktor na malapit nang ma-overwhelm ang mga ospital sa kanilang bansa.

Ayon kay Javid meron nang mga pinasok na kasunduan ang UK para sa dalawang experimental COVID-19 antivirals, kabilang na ang mga dini-develop ng Merck and Ridgeback Therapeutics at Pfizer.

Mababatid na mas nais ng UK na umasa sa mga bakuna at gamot imbis na magpatupad ng mga restriksyon.

Mababatid na nairehistro sa Europa ang pinakamataas nito na bilang ng bagong infections noong Miyerkules na umabot sa halos 50,000.