Ilang kalsada sa NCR, pansamantalang isinara ngayong weekend

Sarado ang ilang kalsada ngayon sa Metro Manila dahil sa isinasagawang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa kalsadang maapektuhan ang 5th Avenue, Araneta Avenue, Ortigas Avenue at Doña Julia Vargas Avenue.

Magtatagal ang pagkukumpuni ng DPWH hanggang Lunes, February 5 ng alas-singko ng umaga.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Dahil dito, pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na umiwas muna sa nabanggit na mga kalsada at maghanap ng alternatibong ruta.