Incompetence ng Taguig, isinisisi sa Makati – Makati Administrator

Iginiit ni Makati City Administrator Atty. Claro Certeza na dapat nang tigilan ng Taguig ang paninisi sa Makati sa mga pagkukulang nito sa kanilang lungsod kaugnay sa pagsara ng daycare centers.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Punto ni Certeza, pinalawig pa nila ng January 31 ang deadline bago tuluyang isara ang mga daycare centers.

Pinabulaanan din ng opisyal ang sinasabi ng Taguig na hindi raw sila inabisuhan nang maaga at bigla-biglaan na lamang isinara.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Certeza, binigyan ng Makati ang Taguig ng sapat na oras upang magtayo ng bagong day care centers sa sampung EMBO barangays pero hindi nila agad naaksyunan.

Binigyang-diin ng abogado na ngayon ay sinisisi na ang Makati sa incompetence ng Taguig.