Ilang jogger sa Remy Field mas nais na may bayad ang pagpasok sa lugar ayon sa bagong CHAD

Ikinagulat ni Subic Bay Metropolitan Authority Chariman & Administrator Rolen Paulino Sr., ang kagustuhan ng ilang regular joggers sa Remy Field.

Ito ay dahil mas gusto umano ng mga ito na manatiling magbabayad ang mga mag-jojogging o tatakbo sa lugar.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nitong mga nakalipas na araw ay pinuntahan si Paulino sa kanyang opisina ng mga jogger at kinausap tungkol dito.

Ang kagustuhan aniya ng mga jogger na manatili ang bayad sa mga mag-eehersisyo sa lugar ay para makasiguro na ligtas maging ang dalang mga gamit, maiwasan ang pagiging over crowded at salisi sa lugar.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Matatandaan una nang sinabi ni Paulino na nais sana nito na malibre na ang Remy Field para sa lahat pero kinakailangang dumaan muna ang ganitong usapin sa SBMA Board.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'MAXAN Mangosteen Xanthone MAXAN Xanthone Mangosteen 10 U MAXAN Shop Shopow! now! Ϲογγεε Blend Lazada'