Albay at Camarines sur, tanging mga probinsya sa Bicol na nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19, kahapon

BNFM BICOL—Tanging ang mga lalawigan lamang ng Albay at Camarines Sur ang nakapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon araw ng Huwebes.

Batay sa inilabas na ulat ng Department of Health, tatlong mga bagong kaso ng sakit ang naidagdag sa dalawang nasabing probinsya kung saan dalawa sa mga ito ang mula sa mga bayan   ng Nabua at San Jose sa Camarines Sur habang ang isa ay mula sa bayan ng Camalig sa Albay.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Wala namang naiulat na mga bagong kaso sa probinsya ng Camarines Norte, Masbate, Catanduanes, at Sorsogon.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Dahil dito, nasa 58,949 na ang bilang ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 3,444 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Patuloy naman sa pagtaas ang bilang ng mga gumagaling makaraang maitala kahapon ang 143 na mga bagong recoveries habang 12 naman ang naidagdag sa mga bagong nasawi.###