Lalaki sa Congo, pinakasalan ang magkakapatid na triplets

Pinag-uusapan ngayon sa social media websites at ilang dyaryo sa Congo ang isang lalaking nagpakasal sa identical triplets.

Ang lalaki ay ang 32-anyos na si Luwizo mula sa naturang bansa, at nagpakasal sa magkakapatid na sina Natasha, Natalie at Nadege.

Sa isang dating app umano unang nagkakilala sina Luwizo at Natalie, at naging magkasintahan.

Hindi alam ni Luwizo na sa tuwing silang dalawa ay nagdi-date, naghahalinhinan pala ang triplets sa pakikipagkita sa kanya kaya labis ang kanyang pagkagulat na magkakaibang babae pala ang kasama niya.

Nahulog ang triplets kay Luwizo sa ilang buwang pakikipagkita ng mga ito at naging dahilan upang magpropose silang tatlo sa lalaki.

Tinanggap naman ni Luwizo ang proposal, at nalaman niyang ikinakatakot pala ng magkakapatid na magkahiwa-hiwalay sila.

Malaya namang pinakasalan ni Luwizo ang tatlo dahil legal sa kanilang bansa ang polygamous union.### ALLYZA BALLON, Intern