Ilang dokumento na pirmado umano ng dating alkalde ng Bamban Tarlac at Mayor Guo nadiskubre ng mga otoridad

Nakita sa isa sa mga vault na binuksan sa ni-raid na villa sa  Pampanga ang Travel Pass na ibinigay kay Huang Zhiyang, ang tinaguriang big boss ng iligal na POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Ang mga naturang dokumento ay pirmado umano ng dating alkalde ng Bamban na si Jose Antonio Feliciano.

Natagpuan din sa vault ang ilang dokumento at resibo ng Bofu Land Development Inc. kung saan incorporator si Suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Maliban dito, nakita rin ang dalawang passport ni Huang at mayroon ding narekober na mga business card at VIP hotel membership ang umano’y big boss sa isang kwarto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *