Kaso sa pagpatay kina Geneva Lopze at Yitshak Cohen hindi pa case solved – ayon sa PNP

Iginiit ng Philippine National Police na hindi pa tapos ang imbestigasyon sa pagpatay sa beauty queen na si Geneva Lopez at ang Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen dahil nagpapatuloy ang imbetigasyon.

Umaasa naman ang pamilya ng mga biktima na makakamit nila ang hustisya.

Samantala, lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na planado ang pagpatay sa magkasintahan, at ang lupa na isinanla ni Micheal Guiang kay Lopez na hindi natubos ang lumilitaw na ugat ng krimen.

June 21 nang makipagkita umano ang mga suspek sa magkasintahan sa Tarlac City, at pinalabas umano ni Guiang na mayroon siyang buyer ng lupa. Iyon na ang huling araw na nakita ang dalawang biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *