Ilang barangay sa Surallah, ZOD certified na

KORONADAL CITY – IDINEKLARA na bilang Zero Open Defecation o ZOD- Grade 1 ang ilang mga barangay sa Surallah. Ibig sabihin nito na ang lahat ng mga pamilya ay mayroon ng access sa water sealed toilet o palikuran at hindi na dumudumi kahit saan.

Kabilang sa mga na-assess na at nadeklara bilang ZOD ng Provincial Zero Open Defecation Evaluation Team ang Barangay Buenavista, Duengas, Veterans, Centrala, Talahik, Lamsugod at Barangay Naci.

Inihayag ni Surallah Municipal Health Officer Dr. Niel Crespo na target ng LGU na bago matapos ang taon, lahat ng 17 barangays sa Surallah ay maging ZOD certified na. Binigyang diin ni Crespo na mahalaga ang pagkakaroon ng palikuran upang maiwasan ang contamination ng water source, mga sapa at lawa at makaiwas sa mga sakit dulot ng maruming tubig katulad ng diarrhea at worm infections o bulate sa tiyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *