Namahagi ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 ng mahigit P25 Million na halaga ng agricultural interventions sa mga benepisaryo sa ilalim ng National Urban at Peri-Urban Agriculture Program.
Ang mga ipinamahagi ay nakalaan para sa paglulunsad ng smart farming community sa rehiyon kung saan ibinigay ito sa 11 farmers’ cooperative, apat na local government unit, tatlong DA Region 2 Experiment Stations at isang mall.
Maliban sa malawakang distribusyon ay nagsagawa rin ang kagawaran ng technical briefing sa Nueva Vizcaya Experiment Station.
Kabilang sa mga agricultural intervention na ipinamahagi ay vegetable seeds, plastic crates, seedling trays, wheelbarrow, mini-tilling machine, at iba pa.
Inihayag ni Carol Albay, ang focal person ng NUPAP na ang naturang programa ay isa sa paraan ng kagawaraan upang makamit ang food security kaya’t isa itong hamon sa mga benepisaryo dahil sa kanilang unang ibinahagi ang smart farming.