Mga dating miyembro ng NPA, sumailalim sa pagsasanay

Sumailalim sa dalawang araw na capacity training at Task Force Balik Loob People’s Organization Summit sa farm school sa Barangay Anquiray, Amulung, Cagayan ang mga dating miyembro ng New People’s Army.

Ang naturang pagsasanay ay layuning mabigyan ng kasanayan ang mga dating rebelde na siyang magsisilbing bagong nilang pag-asa at oportunidad na magbagong buhay at mapalakas ang kooperatiba ng mga dating rebelde.

Pinangunahan ng 17th Infantry Batallion ang naturang Sambayanan Cooperative Capacity Training at Task Force Balik Loob People’s Organization Summit.

Bukod sa pagsasanay ay nagkaroon din ng talakayan hinggil sa Enhance Comprehensive Local Integration Program o ECLIP at hakbang ng pamahalaan sa pagtugon ng pangangailangan ng mga ito.

Binigyan din ang mga dating miyembro ng NPA ng Balik-Loob Balik-Pamilya Handbook kung saan mababasa ang mahahalagang impormasyon upang makaangat sa buhay at magbalik sa kani-kanilang mga pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *