Ikalawang batch ng ACMs na gagamitin para sa 2025 midterm elections, naihatid na sa bodega ng COMELEC sa Laguna

Dumating na sa warehouse ng Commission on elections sa Biñan, Laguna ang ikalawang batch ng Automated Counting Machines na gagamitin sa darating na 2025 midterm elections.

Tinatayang nasa 8,640 ACMs ang naihatid sa bodega na bahagi ng kabuuang 110,000 na makina na inupahan ng COMELEC.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Agad naman itong isinailalim sa inspeksyon na pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kasama sa loob ng mga kahon ay ang mismong makina, privacy screen, mga kable, at adapter.

Wala namang kasamang mga baterya sa shipment dahil sa pagiging highly flammable ng baterya ng ACM.