Pilipinas, dapat lang umanong maging alisto sa agresibong aksyon ng China sa WPS

Maituturing umanong ‘very strategic area’ ang West Philippine Sea (WPS) ayon kay Senador Win Gatchalian.

Anya, sa pamamagitan kase nito ay nagiging posible ang trading ng iba’t ibang bansa para sa mga produkto tulad ng langis at electronic na posibleng sanhi umano ng pilit na pagkuha ng China rito.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kasunod nito, binigyang-diin niyang dapat lang maging alisto at alerto ang gobyerno rito upang maprotektahan din ang blue economy ng bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ito ay sa gitna ng ginagawang pagkuha ng corals at paggawa ng mga isla ng China rito na nakakasira sa karagatan at iba pang anyo ng tubig.