DILG Secretary Abalos, ‘nag-please’ na kay Pastor Apollo Quiboloy na sumuko na

‘Please naman’

Ito ang bagong pahayag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ukol sa patuloy na pagtatago ni Pastor Apollo Quiboloy sa loob ng Kingdom of Jesus Christ compound.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Ayon kay Abalos, ang panawagan niya ay panawagan na rin ng lahat na sumuko na si Quiboloy at harapin ang mga kasong nakasampa laban sa kanya.

Maituturing aniya na ang warrant para kay Quiboloy ay ‘People of the Philippines v. Apollo Quiboloy.’

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Binigyang diin ni Abalos na sa korte na lamang patunayan ni Quiboloy na wala talaga siyang kasalanan.

Sa kasalukuyan na nasa ikapitong araw na ang isinagawang search operation ng PNP laban kay Quiboloy.