Dagdag tulong sa mga magsasaka, inilunsad ng DA

Dalawang milyong magsasaka ang inaasahang matutulungan ng bagong lunsad na Agri-Puhunan at Pantawid Program ng Department of Agriculture.

Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, makakatanggap ang bawat magsasaka ng tinatawag na Intervention Monitoring Card na magsisilbing identification at cash card. Dito ipapasok ng pamahalaan ang ayuda para pambili ng abono, pestisidyo, at iba pang pangangailangan sa sakahan ng mga magsasaka.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

60,000 pesos ang magiging laman ng IMC kada cropping season, kung saan 28,000 pesos para sa production inputs at may dagdag pang walong libong piso kada buwan sa loob ng apat na buwan.

Sa pamamagitan raw nito, hindi na mamomroblema ang mga magsasaka kung saan kukuha ng dagdag panggastos sa kanilang sakahan.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Meron lang din itong interest na 2% kada taon, di hamak raw na mas mura kumpara kung mangungutang ang magsasaka sa mga loan shark na nasa 20% ang interest.

Samantala ang qualified sa naturang ayuda ay mga magsasaka na merong dalawang ektarya pababa na lupain at rehistrado sa Registrt System for Basic Sector in Agriculture.