Iba’t-ibang grupo nagsama sama sa Liwasang Bonifacio kaugnay ng anibersaryo ng Martial Law

Nagtipon- tipon ang iba’t-ibang grupo sa Liwasang Bonifacio ngayong hapon para sa isang programa bilang paggunita sa ika-51 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ngayong araw.

Itinampok sa protesta ang mga umano’y extrajudicial killings, pagdukot, patayan, pekeng pagsuko, at red-tagging sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Marcos.

Bitbit din ng ilan ang mga larawan ng mga biktima ng Batas Militar at mga pang-aabuso umano sa karapatang pantao.

Sa panayam ng brigada News fm kay martial law victim at isang aktibista na si Satur Ocampo , panawagan niya sa mga kinauukulan ang pagbuo ng isang independent commission upang mapag-aralan ang mga naganap na umano’ y paglabag sa karapatang pantao noon.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Ito ay para mabigyan ng katarungan ang mga bitkima ng martial law.

Samantala kasabay ng pagbuhos ng ulan, hindi natinag ang iba’t-ibang grupo sa pagsasagawa ng kanilang programa.

Sa talumpati kanina , pinuna ni Bagong Alyansang Makabayan o Bayan secretary-general Renato Reyes ang wala umanong pinagbago ang bagong Lipunan noon ni Marcos Sr. sa bagong Pilipinas naman ni Marcos Jr. ngayon.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Parang nabubuhay pa rin daw ang mga Pilipino sa anino ng 1972 na walag pakialam sa human rights.

Pinuna rin ng grupo ang hirap sa paghahanap ng murang bigas sa merkado, garapalan umanong confidential funds at pagiging lubog pa rin sa utang ng bansa.

Bukod pa ang mga biyahe ni Marcos Jr. sa abroad na tinawag nilang paglalamyerda lamang.