IATF, magpupulong sa Huwebes kung aalisin o palalawigin ang alert level 1

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force sa Huwebes.

Sinabi ni Duque na layon ng pulong na tukuyin kung kaya nang alisin ang alert level 1 sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa o mananatili dahil sa mga kaso ng COVID-19.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Matatandaan na mula noong March 1 hanggang sa March 15 ay nakasailalim sa alert level 1 ang 39 na mga lugar sa bansa.

Samantala, pinaalalahanan ni Duque ang publiko na tanging ang bakuna at pagsunod sa minimum health standards ang proteksyon sa sambayanan laban sa virus.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Aminado kasi si Duque na tinutugunan pa rin nilang hamon ang vaccine hesitancy ng ilang kababayan. Ipinaalala din ni Duque na huwag sanang mawala ang napagtagumpayan ng bansa sa laban kontra COVID-19.