Napansin ng mga otoridad ang malaking pagtaas sa dami ng ilegal na droga na nasamsam sa mga operasyon nitong nakaraang linggo sa gitna ng pagtaas ng mobility sa maraming lugar sa ilalim ng Alert Level 1.
Sa ulat ni Interior Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte ,sinabi nitong nasabat ng mga alagad ng batas ang kabuuang P424.7 milyon halaga ng illegal drugs mula Pebrero 27 hanggang Marso 5, habang P159 milyon naman sa nakaraang pitong araw mula Pebrero 20 hanggang 26.
Paliwanag ni Año maaring bunga na din ito ng pagluluwag kung kaya’t nagkaroon ng mobility na sinamantala na rin ng mga illegal drug traders.
Sa parehong panahon, iniulat ng DILG chief na 1,307 drug suspects ang nahuli sa 916 na operasyon.
May kabuuang 76 na drug personalities ang personal na sumuko habang isang patay ang naitala sa mga operasyon ng pulisya.
Kasama sa mga nakumpiskang ilegal na droga sa isang linggong operasyon ang 7.5 kilo ng shabu, 3,114.2 kilo ng marijuana, 1 gramo ng cocaine, at 1.2 gramo ng ecstasy.