Hyper-realistic paintings ng visual artist sa Occidental Mindoro, hinangaan ng netizens

‘Skills are limitless’ yan ang pinatunayan ng full-time visual artist na si Nestor Abayon Jr.,

27-anyos, mula sa Rizal, Occidental Mindoro dahil sa kaniyang Hyperrealistic paintings.

Ayon kay Nestor, 2019 nung nag-simula siya sa pag-gawa ng mga ito at kada paintings ay tumatagal ng halos isa hanggang tatlong buwan bago tuluyang matapos.

Dagdag pa niya, pinakagusto niyang subject ang mga bata kahit ang kadalasang ginagawa niyang paksa ay matanda, hayop at teddy bear.

Naging subject na rin ni Abayon maging mga sikat na celebrity kagaya nina Iza Calzado, Ivana Alawi, at marami pang iba.

Samantala, nag-iwan ng mensahe si Nestor sa mga kapwa niya artist na nagsisimula pa lamang sa kanilang karera kung saan kaniyang sinabi na “Walang nagsisimulang magaling agad, walang nagsisimula sa kalahati, lahat nagsisimula sa pagiging baguhan, and never give up.”