Kinumpirma ni Immigration Comm. Norman Tansingo na nasa Jakarta Indonesia na ang pinatalsik na alkalde ng Bamban Tarlac na si Alice Guo.
Ito ay kasunod ng nangyaring pagdinig sa Senado kung saan tinanong si Shiela Guo hinggil sa pag-alis nina Alice, Wesley at sa Pilipinas.

Ipinaliwanag pa ni Shiela kung paano sila nagpapalit-palit ng sinakyang bangka nina Wesly at Alice.
Ayon kay Shiela, hindi niya alam kung nasaan na ang dating alkalde dahil naghiwalay na umano sila noong nakarating sila sa Indonesia.
Tiniyak naman ng Bureau of Immigration na patuloy ang kanilang koordianasyon sa Indonesia authority para mahuli si Guo.