Kyline Alcantara at Kope Paras, trending sa kanilang “kandong” video

Viral ang basketball player na si Kobe Paras at Kyline Alcantara na sweet na sweet sa isang karaoke session.

Bagamat hindi pa alam kung saan naganap ang karaoke session ay kitang kita naman ang kilog at happiness ng rumored couple sa video ng isang netizen.

Sa video, ay nakakandong ang aktres kay Kobe habang kinakantahan sya nito ng “Hinahanap-hanap Kita” ng Rivermaya at sa bandang dulo ng video na hinalikan pa ni Kobe si Kyline sa balikat.

Maaalalang umingay ang usap-usapan na dating ang dalawa dahil sa ilang events na dinaluhan nila ng magkasama at sa ilang sweet nilang litrato online.