Hydro power-generator at e-trikes patatakbuhin sa Irosin

SORSOGON CITY – Planong itayo ang isang hydro-electric power generator sa bayan ng Irosin sa lalawigan ng Sorsogon.

Nagsimula nang magsagawa ng ocular inspection sa iba’t-ibang ilog at talon ang Punong-Bayan at ang Chief Executive Officer (CEO) ng One Renewable Energy Ent. Inc., ang kumpanyang gagawa ng proyekto.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon sa ulat, mayroon tatlong dam sa Irosin na posibleng mapagkuhanan ng elektrisidad, kung saan pangunahing makikinabang ang mga agricultural facilities ng lugar.

Kaugnay nito, 60 units ng electronic tricycle o e-trike naman ang balak ding patakbuhin sa nasabing bayan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Maglalagay ng mga charging stations para sa mga ito na kukuha ng kuryente mula sa mga naitayong planta.

Malaking tulong umano ito sa mga tricycle drivers dahil sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo.