Nakahanda na ang 8,000 na sertipikadong electoral board mula sa mga probinsya ng Lambak ng Cagayan para sa gaganaping National and Local election sa May 09, 2022.
Ito ay matapos sumailalim ang nasabing mga electoral board sa isang buwan na certification exam ng Department of Science and Technology Region 02.
Ang 8,000 na electoral boards ay pawang mga guro mula sa Kagawaran ng Edukasyon na pinili base sa pamantayan ng COMELEC.
Layunin ng naturang program ana matiyak ang kahandaan at kaalaman ng mga BEI sa paggamit ng Vote Counting Machines (VCM) sa ilalim ng Automated Election System (AES).
Bilang tugon sa covid-19 pandemic, gumawa ang DOST-NCR ng EB Certification Portal para sa online written examination ng mga gurong sasailalim sa online theoretical examination at hands-on practical tests sa paggamit ng VCM.
Alinsunod ito sa Republic Act No. 9369 o Amended Automated Election upang mapataas ang tiwala ng publiko sa paggamit ng automated technology sa darating na halalan.