Hybrid rice seeds, ipinamamahagi na ng cauayan city agriculture office sa mga magsasaka

Kasalukuyan na ang pamamahagi ng hybrid rice seeds ng Cauayan City Agriculture Office sa mga rice farmer sa lunsod para sa wet season ngayong taon.

Ayon kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculture Officer, ito ay makaraang dumating na sa syudad ang alokasyong binhi para sa 60,000 na ektarya ng sakahan sa irrigated areas mula sa DA Region 2.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Paliwanag niya hanggang dalawang ektarya ang alokasyon sa bawat magsasaka para sa 15 kilos na binhi kung saan kada bag ng rice seeds na matatanggap ay katumbas ang isang voucher na nagkakahalaga ng 3, 000 pesos para sa libreng abono.

Aniya, ang mga magsasakang nakatala sa Registry System Basic Sector in Agriculture (RSBSA) ang mabibigyan ng rice seeds.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kaugnay nito ay kasalukuyan din ang kanilang updating sa talaan ng mga magsasaka sa RSBA kung saan nagtutungo ang mga ito sa bawat barangay.

Hinikayat naman ni Engr. Alonzo ang mga rice farmer sa lunsod na makipag-ugnayan lamang sa mga nakatalagang Agricultural extension workers sa bawat barangay kung may mga katanungan at para sa karagdagang impormasyon.