Isinagawa ang kauna-unahang amphibious insertion ng Patriot Minimum Engagement Package (MEP) sa Aparri, Cagayan bilang bahagi ng Balikatan 2022 sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at US Forces.
Pinangunahan ito ng air defenders mula sa Bravo Battery, 1-1 ADA (Air Defense Artillery), 38th Air Defense Artillery Brigade na nakabase sa Okinawa, Japan.
Inihatid ang package mula sa Whidbey Island-class amphibious ship na USS Ashland ng US Navy sa pamamagitan ng dalawang landing craft air cushions (LCACs) na pinamamahalaan ng Naval Beach Unit (NBU) 7.
Ang naturang Patriot missile system ay malaking tulong sa panahon ng emergencies pangunahin na sa pagdipensa sa bansa mula sa aerial and ballistic missile threats.
Photo/94th Army Air and Missile Defense Command