Hulyo 20, ideneklara ni Duterte bilang regular holiday para sa Eid’l Adha

Ideneklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang July 20, 2021 bilang regular holiday sa buong bansa bilang pag-obserba sa Eid’l Adha o ang Feast of Sacrifice.

Batay sa Proclamation 1189, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa pamamagitan ng ibinigay na authority ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakasaad na ang pag-obserba ng Eid’l Adha ay subject sa umiiral na community quarantine at social distancing measures.

Ang Eid al-Adha ay isa sa dalawang pinaka-importanteng holidays sa Muslim calendar.

Sa naturang okasyon, inaalala ng Eid al-Adha ang kahandaan ng propetang Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na lalaki sa kautusan ni Allah.

Kaugnay sa naturang selebrasyon, nagkakatay ang mga Muslim ng tupa, kambing, baka at kamelyo.// MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *