Tumaas ang kabuoang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas sa 1,490,665, matapos maiulat ng Department of Health (DOH) ang 5,221 na mga bagong infections.
Hindi kasama sa bilang ang apat na laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos on time.
Dahil sa bagong infections, naitala ng DOH ang mga active cases sa bansa sa 45,495, kung saan 91.4% ang mild, 2.1% ang asymptomatic, 2.8% ang severe, at 1.7% ang nasa kritikal na kondisyon.
Kaugnay nito, inanunsyo ng ahensya ang total recoveries na 1,418,856, matapos makarekober ang 4,147 pang pasyente mula sa respiratory illness, habang 82 ang mga bagong fatalities dahilan para umakyat ang death toll sa 26,314. // MHEL PACIA-TRINIDAD
